Menu

Philippine Standard Time:

Salaysay ng Buhay ng Pamilyang Pantawid

After more than 10 years of service, 4Ps has achieved several milestones in poverty reduction and improvement of the health, nutrition, and education aspects of its beneficiaries. Their success stories prove that the program has provided positive impacts to their lives. The Salaysay ng Buhay ng Pamilyang Pantawid is a compilation of these stories which were written and narrated by the families, themselves. It aims to showcase the improvement in their lives as the fruit of their own hard work and with the help and support of the program.

Salaysay ng Buhay ng Pamilyang Pantawid

Salaysay ng Buhay ng Pamilya Servidor

Pagbabahagi ni Francisca A. Servidor mula sa Tuburan, Cebu Nagsimula ang lahat sa isang masayang pagdiriwang. Doon ko nakilala ang taong nakabihag ng aking puso. Siya ang naging dahilan ng mga ngiting abot hanggang tenga at mga matang kumikinang sa tuwa at saya. Kami ay nagkasama at kalauna’y nabiyayaan kami ng apat na anak. Payak lang ang aming pamumuhay pero punong-puno ng pagmamahal, pagkakaisa, at respeto sa isa’t isa. Isang araw dumating ang problemang nagpabago ng aming buhay. Nagkaroon ng ...
CONTINUE READING -->

Salaysay ng Buhay ng Pamilya Banalo

Pagbabahagi ni Marietta Banalo mula sa Taguig City Ako si Marieta M. Banalo, 53 years old, isang solo parent na may anim na anak. Sa anim kong anak, tatlo sa kanila ay pipi at bingi. Sa kasalukuyan, kami ay nakatira sa PNR Site, Taguig City. Sa edad na 22 years old ay nag-asawa na ako at kami ay ikinasal noong 1994 sa Tarlac. Nabiyayaan kami ng anim na anak. Sa simula ay naging maayos naman ang pagsasama namin at tila ...
CONTINUE READING -->

Barya: Salaysay ng Buhay ni John Christian Canceran

Salaysay ng Buhay ni John Christian Canceran, Top 8 sa Veterenary Medicine Licensure Exam 2020 “Sa bawat kalansing ng barya sa aking bulsa, nadaragdagan ako ng pag-asa at determinasyon upang magpatuloy upang makapagtapos sa aking pag-aaral.” Ako si John Christian Canceran, pang-apat sa anim na supling nina Joseph Sr. at Florentina Canceran. Payak ang pamumuhay ng aming pamilya sa Barangay Rosario, City of Santiago dito sa probinsiya ng Isabela. Ang aking ama ay nakapagtapos ng high school samantalang ang aking ...
CONTINUE READING -->

Salaysay ng Buhay ng Pamilya Ballebas

Pagbabahagi ni Dominador Ballebas Jr. mula sa Pasay City Sa panahon ng pandemya na nararanasan ngayon, marami ang nagugutom, namamatay, at naghihikahos sa buhay. Marami rin na kalungkutan ang nararamdaman sa pagkawalay sa pamilya at unti-unting nawawalan ng pag-asa sa buhay. Dahil ditto, unti-unti ring bumabalik sa aking alaala ang mga pagsubok na pinagdaanan ng aking pamilya. Maliit pa ang aking mga anak noon at nagtatrabaho ako bilang janitor sa isang kumpanya. Ang aking kinikita ay hindi sapat sa aming ...
CONTINUE READING -->

Salaysay ng Buhay ng Pamilya Balucas

Pagbabahagi ni Lorente Balucas mula sa Tamuini, Isabela Katulad ng ibang pamilyang napagkaitan ng mga materyal na bagay at  maginhawang buhay, ang aming kwento ay dinaanan din ng unos subalit pinagtibay ng pag-asa at pagmamahalan. Ako si Lorente B. Balucas, 55 taong gulang, mula sa tribung Itneg na nakatira sa Brgy. Dy Abra bayan ng Tumauini, Isabela. Ako ay lumaki sa hirap subalit nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at makapagtapos ng kursong Bachelor in Agricultural Education. Nakapagtrabaho ako sa pribadong institusyon ...
CONTINUE READING -->