Nakatanggap ang piling benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng grocery package mula sa mga empleyado ng 4Ps National Program Management (NPMO) noong ikaw-20 ng Disyembre 2024 sa Madison 101 Hotel, Aurora Blvd., Quezon City.
Ang pamamahagi ng grocery package ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kontribusyon ng mga empleyado ng 4Ps para magbigay ng saya at ngiti ngayong araw ng pasko sa mga benepisyaryo.
Pinangunahan ni 4Ps National Program Manager and Director Gemma B. Gabuya ang pamamahagi ng pamasko sa nasa 20 benepisyaryo mula sa Brgy. Batasan Hills.
Ang ginanap na gift giving activity ay kasabay ng “PaskuONE Mula sa 4Ps, Handog ng May Malasakit” year-end celebration ng 4Ps. #