Ang pamunuan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ang mga kasamahan sa matiwasay na pagpapadaloy ng programa ay laging isinasaisip ang kapakanan ng lahat ng benepisyaryo pati na rin ang iba pang apektado ng krisis na dulot ng COVID-19. Kami ay buo at sama-sama sa paninindigang ito para maipaabot sa inyo ang karampatang serbisyo lalo’t sa panahong ito.
Ang mga tao sa likod ng Programa ay patuloy na nagtatrabaho bilang frontliners at sila ang inyong nakakasalamuha sa kabila ng banta at panganib ng sakit na COVID-19 nang sa gayo’y patuloy na maipaabot sa inyo ang serbisyo ng gobyerno pagdating sa pagpapabuti ng ating kalagayan at kapakanan.
Para sa mga tauhan ng DSWD, pati na rin sa mga benepisyaryo, tunay na nakakataba ng puso ang mga kwento ninyo ng pagpapamalas ng bayanihan at ito ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob at inspirasyon para lalong mapabuti namin at ipagpatuloy ang aming ginagawa.
Kinikilala naminang mga benepisyarong nagbahaging pagkain at ibang pangangailangan at nanilbihan sa abot ng kanilang makakaya. Taos-puso and inyong pagbibigay sa mga kapwa natin na nangangailangan sa kabila ng sarili nating kalagayan. Labis din naming ipinagpapasalamat ang pagsunod ninyo sa mga itinakdang patakaran bilang pangangalaga sa kalusugan natin at ng buong pamayanan.
Atin po itong ipagpatuloy lalo’t ngayo’y mas kailangan ang ating pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang boses at layunin para pagtuunan natin ang lalong pagpapabuti ng mga magagandang nasimulan. Sa sama-samang pagkilos, nawawala ang pangangamba at lumalakas ang pwersang panlaban natin sa krisis.
Ating isaisip na ang krisis na ito ay ramdam ng buong mundo. Sa kabila ng bantang panganib, kinikilala rin natin at ipinagpapasalamat ang kabayanihan ng ating mga kababayang doktor, narses, at iba pang nasa medikal na propesyon. Ganoon din sa mga magsasaka, mangingisda at mga manggagawang tuloy ang paniniguro ng ating mga pangangailangang sa araw-araw. Ito ay ang mga sakripisyong hindi natin dapat kalimutanat nawa’y magsilbing aral na ating papahalagahan sa mga susunod pang panahon.
Hindi maitatanggingpagkakaisa laban sa COVID-19 ang pinakamabisang solusyon para tuluyan nang maagapan ang pagkalat at paglala nito.
Ipagpatuloy natin ang pagpapamalas ng mabubuting gawain at tandaan na ang bawat isa nito ay isang malaking ambag at mayroong mabigat na epekto, gaano man kaliit ang gawain sa ating paningin. Ang lahat ng ito ay makakatulong na matugunan ang ating ating paghahangad na muling mamuhay ng matiwasay, mapayapa, at may malasakit sa kapwa.
Mula sa Pantawid Pamilya,nakikiisa kami sa laban ng Pilipinas kontra-COVID-19. . We heal as One!